Ipinahayag ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia na mababa ang 1.2 Million Registered Overseas Voters (ROV) na naitala ng komisyon para sa National at Local Elections sa susunod na taon.
Ito ay kumpara sa 1.6M na naitala ng poll body noong 2022 Presidential Elections.
Dagdag pa ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na kapag nasubukan na ng mga Pilipino sa ibang bansa ang kakayahan ng internet voting ay mas mahikayat pa sila na mag-rehistro bilang botante naman sa susunod na 2028 Presidential Elections.
Kaugnay pa nito, kahit na mababa ang rehistradong mga botante para sa halalan sa susunod na taon, pero mataas naman ang voter’s turn-out, magandang pahiwatig pa rin ito dahil ang layunin ng komisyon ay maraming botante ang makaboto sa halalan.
Samantala, ayon pa kay Chairman Garcia na isa sa mga rason kung bakit kakaunti ang mga nagpa-rehistro ay dahil na rin sa mga pangamba ng mga overseas Filipinos na maaapektuhan ang kanilang pag-aapply ng citizenship, katulad na lamang sa Estados Unidos.