Pinag-aaralan ngayon ng economic managers ng Marcos administration ang posibilidad na palawigin pa ang mababang taripa sa imported goods para mapahupa ang inflation sa bansa ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno.
Ang naturang hakbang ay kasunod na rin ng developments kamakailan sa local at international maging ang epekto ng nagdaang mga bagyo.
Noon kasing Disyembre 29 ng nakalipas na taon, nag-isyu si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Executive Order No.10 na nagpapalawig pa hanggang sa December 31, 2023 sa mababang taripa sa commodities tulad ng karne ng baboy, sariwa man, chilled o frozen sa 15% para sa in-quota tariff rate at 25% naman para sa out-quota.
Gayundin sa imported na mais sa 5% (in-quota) at 15% (out-quota), sa imported rice naman nasa 35% ang bawas sa in-quota at out-quota tarrif rate, at uling na walang taripa.