Binigyang diin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mabagal na pagbuga ng lava mula sa summit crater ng Mayon Volcano sa Albay ay humihina sa nakalipas na 24 na oras.
Ang nasabing lava effusion ay nagdulot sa mga lava flow sa Mi-isi gully na umabot sa 2.8 kilometro, Bonga gully na umabot sa 600 metro at Basud gully na aabot sa 3.1 kilometro.
Sinabi ng PHIVOLCS na wala itong naitala na pyroclastic density currents (PDC).
Mayroon ding mas kaunting mga rockfall events na nakita.
Gayunpaman, ang pagtuklas sa mga ito ay naapektuhan ng powering down ng Anoling, Camalig Observation Station (VMAN) sa loob ng six kilometer permanent danger zone (PDZ).
Ang Mayon Volcano Network ay nakapagtala ng 48 volcanic earthquakes kabilang ang 39 low-frequency volcanic earthquakes, gayundin ang 45 rockfall events sa nakalipas na 24 na oras.
Sa ngayon, nasa average na 4,113 tonelada ng volcanic sulfur dioxide ang ibinubuga ng bulkan.
Inulit ng PHIVOLCS ang kanilang rekomendasyon na panatilihing off-limits ang six permanent danger zone dahil sa banta ng pyroclastic density currents, lava flows, rockfalls, at iba pang mga panganib sa mula sa bulkang Mayon.