Malaki ang naging papel ng pagbagal sa presyo ng transportasyon at produktong petrolyo sa pagbaba ng inflation rate sa bansa na umabot na lamang sa 8.6%.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, sa buwan nga ng Pebrero ay naitala ang pagbaba ng inflation rate mula sa 8.7% noong nakaraang buwan.
Sinabi pa ni National Statistician and Civil Registrar General, Undersecretary Dennis Mapa, ang transport umano talaga ang naging main contributor sa pagbaba ng inflation rate.
Samantala, tinitingnan naman ng ahensya kung malaki ba ang magiging epekto nitong transport strike pati na ang pagbaba ng presyo ng pangunahing bilihin tulad ng karne at mga gulay sa inflation rate ng bansa sa darating buwan.
Matatandaan na nakapagtala ng pinakamabilis na pagtaas sa inflation rate noong January 2023 mula noong November 2008 na may 9.1%.