-- Advertisements --

Pinuna ni Iligan City Rep. Frederick Siao ang mabagal na pag-remit sa mga hospital ng mga reimbursement para sa mga naibigay na serbisyo sa mga nag-avail ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Saad nito, nauunawaan niyang sinisigurado ng PhilHealth na totoo ang mga remittance claims ng mga ospital.

Ngunit, hindi naman makatarungan na madamay pa rito ang mga medical facilities na sumusunod sa standards ng PhilHealth.

Dahil dito, pinamamadali na ng kinatawan ang pagbabayad ng PhilHealth sa mga utang sa hospitals.

Nauna nang naapektuhan ang COVID-19 testing na ibinibigay ng Philippine Red Cross (PRC) dahil sa hindi agad nabayaran ng PhilHealth ang utang nito.