Nagpasaring si dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales hinggil sa mabagal daw na disposisyon ng pork barrel cases sa Sandiganbayan na isinampa noong panahon ng kanyang termino.
Nanindigan si Morales na wala siyang pinagsisisihan sa pag-endorso sa mga kasong may kinalaman sa P10-milyon halaga ng sinasabing pork barrel ng ilang opisyal ng gobyerno.
Tiwala rin ito na may sapat na basehan ang kanyang hanay para idiin sa reklamo ang mga akusado.
Kung maaalala, inabsuwelto noong Disyembre 2018 sa plunder case ni dating Sen. Bong Revilla Jr.
Habang nadiin bilang guilty sina Janet Lim Napoles at Atty. Richard Cambe.
Samantala, kakasimula lang muli ng pagdinig sa parehong reklamo nina dating Sen. Jinggoy Estrada at former Senate Pres. Juan Ponce Enrile.