-- Advertisements --
Aminado si Department of Health Secretary Francisco Duque III na mabagal ang COVID-19 vaccination program ng bansa.
Sinabi nito na hindi ito mabilis gaya ng inaasahan ng gobyerno at ang dahilan nito ay dahil kakasimula pa lamng ng gobyerno ng mahigit isang linggo.
Isa ring dahilan aniya ay nabigyan ng options ang mga tao na sa nais nilang bakuna na ituturok sa kanila.
Nagiging mabagal ang rollout dahil sa kinakain ng observation period sa mga nabakunahan kung sila ba ay makakaaranas ng sintomas.
Sa kasalukuyan ay mayroon ng 114,615 na mga Filipinos ang nabakunahan na sa kabuuang 70 milyon na Filipino na target na mabakunahan ngayong taon.