Nagbabanta ang mabibigat na pag-ulan ngayong araw sa Northern Luzon dahil sa pag-iral ng Shear Line at ng hanging Amihan.
Inaasahang papalo mula 100 – 200 mm ng tubig-ulan ang bubuhos sa probinsiya ng Cagayan ngayong araw; habang 50 – 100 mm ng ulan ang bubuhos sa mga probinsya ng Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, at Isabela.
Inaasahang magpapatuloy pa ito bukas, January 4, 2025 kung saan muling makakaranas ng 100 – 200 mm ng ulan ang mga probinsya ng Cagayan at Isabela habang 50 – 100 mm ang mga probinsya ng Apayao sa CAR at Aurora sa Central Luzon.
Pagsapit ng Linggo(Jan 5), bahagyang bababa ang bigat ng mga pag-ulan at tanging ang mga probinsya ng Cagayan at Isabela na lamang ang uulanin sa Northern Luzon.
Ayon sa state weather bureau, posible ang mga pagbaha sa mga urbanized, mabababa, at mga lugar na malapit sa mga ilog. Posible rin ang mga pagguho ng lupa sa mga naturang lugar.