-- Advertisements --

Nagbabanta muli ang mabibigat na pag-ulan sa maraming probinsya sa Northern Luzon dahil sa pag-iral ng Shear line.

Sa advisory na inilabas ng PAGASA , posibleng makaranas ng mabibigat na pag-ulan mula bukas hanggang Biyernes ang mga probinsya sa apat na rehiyon sa Hilagang Luzon.

Sa Ilocos Region, maaaring ulanin ang Ilocos Norte.

Sa Cagayan Valley Region, maaring makaranas ng pag-ulan ang mga probinsya ng Cagayan at Isabela.

Sa Cordillera, kinabibilangan ito ng Kalinga at Apayao, habang sa Central luzon ay tanging ang Aurora Province lamang ang inaasahang makakaranas.

Mula 50 mm ng tubig-ulan hanggang 200mm ang inaasahang bubuhos sa mga ito, ngunit maari ring mas mababa sa ilang natukoy na lugar.

Patuloy namang pinag-iingat ang publiko laban sa naturang banta.