-- Advertisements --

Nagbabanta muli ang pagbuhos ng mabibigat na pag-ulan sa malaking bahagi ng Bicol Region at Eastern Visayas bukas, araw ng Linggo, Enero 12 dahil sa patuloy na pag-iral ng Shear Line.

Sa mga probinsya ng Albay, Sorsogon, Catanduanes, at Northern Samar, nagbabanta ang heavy to intense rain. Ito ay katumbas ng 100-200 mm ng pag-ulan.

Sa mga probinsya ng Masbate, Camarines Sur at Camarines Norte, nagbabanta rin ang moderate to heavy rain o katumbas ng 50-100 mm ng pag-ulan.

Ayon sa state weather bureau, posible ang malawakang pagbaha sa mga ito, lalo na sa mga urbanized area, mababang lugar, o tabi ng mga kailugan.

Ngayong linggo ay una nang nakakaranas ng malawakang pagbaha ang Bicol Region at Eastern Visayas dahil sa mga pag-ulan.

Ilang mga kalsada rin ang inabot ng tubig-baha sa Albay, Sorsogon, at Northen Samar dahil sa walang tigil na pag-ulan.