Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte para maging isang ganap na batas ang pagpapataas ng penalty sa mga napatunayang guilty sa perjury o pagsisinungaling.
Nakasaad sa Republic Act 11594 na inamyendahan ang Article 183 at 184 ng Revised Penal Code na ang anumang false testimony sa ibang kaso at perjury ay mapaparusahan ng hanggang 10 taon na pagkakakulong.
Sa dating Article 183 ang minimum penalty ay mula apat na buwan hanggang anim na buwan na pagkakakulong at ang maximum na kaparusahan ay mula anim na buwan hanggang dalawang taon na pagkakakulong.
Kapag ang inakusahan ay kawani o empleyado ng gobyerno ay pagmumultahin siya ng P1-milyon at ang pagbabawal ng makahawak ng anumang posisyon sa gobyerno.
Na-amyendahan na rin ang Article 184 na pinaparusahan ang tao na magsisinungaling sa anumang judicial o official proceeding.
Sinabi ni Senator Richard Gordon, Senate chair on justice and human rights na siyang may akda at sponsor ng nasabing panukalang batas ay nagsabing ang nasabing kaparusahan ay para maiwasan na ang mga tetestigo, nagbubulgar o iba pa ay magsisinunungaling.