-- Advertisements --
Ipinagpapasalamat ngayon ng Department of Social Welfare and Development sa Department of Budget and Management ang mabilis nitong tugon sa pagpapalabas ng karagdagang pondo na hingi ng DSWD.
Ito ay upang matiyak na sapat ang supply ng DSWD para sa relief operations na ihahatid sa mga naapektuhan ng bagyo.
Ang pondo ng ahensya ay nakalaan sa produksyon ng family food packs , non-food items at iba pang mga tulong.
Sakop rin ng kanilang pondo ang paghahatid at mobilisasyon ng relief goods lalo na sa mga lokal na pamahalaan na pinaka naapektuhan ng sama ng panahon.
Nagpasalamat rin ang kalihim sa suporta ng DBM sa kanilang effort na mapuna ang kanilang mga stock lalo na sa kanilang mga regional warehouses.