-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Naniniwala ang isang Afghan-American doctor na nakabase sa Estados Unidos na nabahiran umano ng kurapsyon ang mabilis na pagbagsak ng gobyerno ni Afghan President Ashraf Ghani hanggang sa muling naagaw ng Taliban.

Kung maalala 20 taon na rin na nasa civil war ang Afghanistan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Afghan-American Dr Ali Karim na dahil umano sa kabiguan ng US government na mabigyang sahod ang mga sundalo at mas nasagot pa ng Taliban fighters ang financial obligations na ito kaya resulta na sobrang mabilis ang pagsakop sa mga syudad.

Para kay Karim, kunwari lang umano na nabigla ang US government sa mabilis na pagbagsak ng gobyerno ni Ghani subalit iyon umano ang kuwento sa pangyayari.

Una nang nagpahayag si Karim, aktibong doktor na nakabase sa Amerika, na dismayado ito sa katwiran ni US President Joe Biden na kaya bumagsak ang Afghan gov’t ay dahil umano sa ginawa nag pagtakas ni Ghani at hindi paglaban ng mga sundalo.

Subalit giit ng doktor ang dahilan daw ay mayroon umanong nangyari na korapsyon kaya bigong maipagtanggol ng mga sundalo ang gobyerno bunsod nang epekto sa pagbigay pera ng Taliban para angkanin ang buong bansa.