-- Advertisements --
antartica ross ice shelf
Antarctica’s Ross Ice Shelf about the size of France (photo from Discover Magazine Blogs)

Nagpaabot nang pagkabahala ang ilang scientists matapos na mabulgar ang mabilis na pagkatunaw nang tinaguriang “world’s largest ice shelf” na Ross Ice Shelf na nasa bahagi ng Antartica.

Batay sa pag-aral na inilathala ng journal na Nature Geoscience nasa 10 beses umanong mabilis ang pagkatunaw nito na posibleng may kinalaman daw ang climate change.

Ang findings ay malaki naman ang implikasyon sa pagtaas ng sea-level sa hinaharap ng mundo.

Ang Ross Ice Shelf ay may mahalagang ginagampanang papel sa pagpapa-stabilize ng malaking bahagi ng rehiyon ng Antarctica.

Napag-alaman kasi sa pag-aaral na ang isang bahagi ng Ross Ice Shelf ay nagpapakita na ang unti-unting pagkatunaw ay bunsod ng pagpasok ng “warm ocean water” sa tinaguriang cavity sa ilalim ng shelf.

Ang Ross Ice Shelf ay higanteng frozen block na kasinglaki umano ng bansang France at ito ay nakalutang sa bahagi ng southern portion ng Antarctica’s Ross Sea.

Ang ibang bahagi nito ay may sukat na 750m (2,450ft) ang kapal.

Sinasabi pa na ang ganitong ice shelves ay patuloy na nabubuo dahil sa prosesong ibinibigay ng mga glaciers.

Ang ice shelves naman ay nagsisilbing “brake” sa mga glaciers para maibsan ang pagkatunaw o “amount of melting” na kadalasan ay nangyayari sa ibabaw ng glaciers.