Pinamamadali ng National Telecommunications Commission (NTC) sa public telecommunications entities ang pagkumpuni at panunumbalik ng kanilang serbisyo sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng bagyong Ulysses.
Ang direktiba ni NTC Commissioner Gamaliel A. Cordoba ay nakapaloob sa memorandum na kanyang ipinalabas araw ng Huwebes, November 12, 2020 sa lahat ng telcommunications company alinsunod sa kautusan mula sa
Department of Information and Communications Technology (DICT).
“You are hereby directed to fast track the repair and restoration of telecommunication services in the service areas severely affected by the Typhoon Ulysses. Please accelerate the mobilization and transport of your respective technical / service personnel and equipment to the affected areas immediately,” base sa memo ni Cordoba.
Inatasan din ni Cordoba ang mga telco na mag-deploy ng “Libreng Tawag at Libreng Charging Stations” sa mga istratehikong lugar na napinsala ng kalamidad.
“You are also reminded to coordinate with the LGUs and observe strict health protocols to avoid transmission of coronavirus disease (COVID-19),” aalala pa ni Cordoba.
Umaasa ang pinuno ng NTC na makakapagsumite ng status updates tuwing anim na oras ng ongoing restoration activities ng mga network sa kanilang pasilidad at timeline para sa full restoration ng serbisyo ng mga telco.
Napanatili ng bagyo ang lakas nito habang isinailalim naman ang limang lalawigan sa Luzon sa Tropical Wind Cyclone Signal No. 3 Huwebes ng umaga ayon sa pinakahuling update ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).