Isinusulong ni KABAYAN Party-list Rep. Ron Salo sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) ang mabilis na aksyon at responde sa mga OFW na hindi makaalis sa Sudan dahil sa mas tumitinding kaguluhan doon.
Importante raw ang oras at kailangan na itong masolusyonan bago pa man mas maging malala ang sitwasyon doon.
Ang pagkakaroon raw ng “proactive measure” ay kinakailangan upang masiguro ang kaligtasan ng mga Pilipino sa Sudan.
Mungkahi ng mambabatas na gamitin ang Assistance to Nationalo Funds at magkaroon ng sa ilang mga diplomatic mission at gobyerno upang mas maging madali ang paglikas ng mga OFW doon.
Pinaalalahanan niya naman ang mga Pilipino doon na manatiling alerto at konektado sa dito sa Pilipinas.
Makipag ugnayan rin daw sa konsulado ng Khartoum o kaya naman sa embahada ng Egypt.