CEBU – Inihalintulad ni Netherlands Bombo International Correspondent Arbie Bilbao Jeuriens sa nangyaring flashflood sa Ormoc City, Leyte ang nangyaring matinding pagbaha sa Germany at Belgium.
Ayon kay Jeuriens na tubong Cebu City at magtatlong taon nang nanirahan sa Netherlands, na kalimitan na binabaha ang ilang lugar sa Germany at Belgium ngunit ang nangyari noong nakaraang linggo ay ang unang pagkakataon na naranasan ang matinding pagbaha.
Gayunpaman, inihayag nito na hindi naman nagpabaya ang pamahalaan ng Germany, Belgium at sa mismong Netherlands at nagsagawa kaagad ng paglikas sa mga apektadong residente bago pa man humagupit ang masamang panahon.
Nilinaw ni Jeuriens na hindi naman matindi ang naranasan sa bahagi ng Roermond, Netherlands ngunit nakaalerto pa rin sila kaugnay sa naturang insidente at laging handa sa naturang sitwasyon.
Kasalukuyan naman na nagsagawa ng search and rescue operation ang otoridad para sa iba pang mga survivors.
Napag-alaman na umabot sa mahigit isang daan ang nasawi sa matinding pagbaha.