BUTUAN CITY – Mabilisan ang pagtaas ng mga naitalang patay at mga kaso sa COVID-19 sa Wisconsin, USA dahil sa hindi pagsunod ng Trump campaign team sa mga health protocols sa kanilang isinagawang pangangampanya sa kanilang estado.
Ayon sa Butuanong si Elsie Bermoy-Maier direkta mula sa Wisconsin, USA, tatlong beses ng nagrarally si US President DOnald Trump sa kanilang estado na hindi nagma-mask kung kaya’t mabilisan ang nganap na local transmission kung saan nitong araw lamang umano ay mahigit na sa 200 katao ang namatay dahil sa coronavirus.
Parehong busy umano sina Trump at Biden sa kanilang kampanya kungsaan si Biden ay dalawang beses ng nagralil sa kanilang estado.
Binalik-balikan umano ng dalawang mga kandidato ang Wisconsin dahil kasama ito sa mga swing states kungsan wala sa dalawang mga kandidato ang sigurado kung sino sa kanila ang makakakuha sa sampu nilang mga electoral votes.
Dagdag pa ni Maier, bumaligtad umano ng suporta kay Biden ang mga supporters ni Trump dahil sa iba’t ibang mga isyung kinaasangkutan nito kasama na ang malabong pagha-handle nito ng pandemyang hatid ng COVID-19 lalo na’t wala itong ipinangakong mga hakbang na gagwin sa kanyang pangangampanya.
Iba umano ito kay Biden na may nakalatag ng mga plano upang puksain ang patuloy na paglaganap ng coronavirus.