BUTUAN CITY – Iniutos ni Agusan Del Sur Provincial Governor Sante Cane jr sa pulisya na magbigay sa kaniya ng mabilisang resulta sa kanilang ginawang imbestigasyon kaugnay sa sunod-sunod na hold-up na naganap sa lalawigan.
Layunin ni Governor Cane na makilala ang mga suspek upang ito ay mabilanggo at masampahan ng kaso. Ayon pa sa opisyal na kailangang maresolba ang mga insidente sa mga hold-up upang mabigyan ng tamang seguridad ang mga taong dumadaan sa Agusan Del Sur.
Tinawag pa ni Governor Cane ang bagong insidente sa mga hold-up na special na kaso dahil sabay-sabay itong nangyari. Pati sa kailangang malaman kung iisang grupo lang ba ang gumawa nito.
Maalalang sa nakaraang araw ay naitala ang tatlong insidente sa hold-up sa lalawigan ng Agusan Del Sur.
Unang naganap ang hold-up sa may PUrok-4, Barangay Langkilaan, Trento, Agusan Del Sur pasado alas 12:00 ng tanghali kung saan na-hold-up ang panel ng segarilyo at natangay ng mga suspek ang 20,000 pesos na cash.
Nasundan ito pasado alas 2:00 ng hapon kung saan nahold-up ang van ng frozen product sa may Purok-1 Boan, Barangay Wasian, Rosario, Agusan Del Sur at aabot sa 125,000 pesos ang nakuhang pera.
Habang pagdating sa alas 4:00 ng hapon, ang kasama sa panel sa segarilyo na unang na-hold-up, nabiktima na naman sa mga tulisan sa may Purok-2, Barangay Lapinigan, San Francisco, Agusan Del Sur. Aabot sa 23, 500 pesos at tatlong rims sa segarilyo ang nadala sa wala pa makilalang mga suspetsado.