Sinalaysay ni dating Iloilo Mayor Jed Patrick Mabilog ang isang kahindik-hindik na sitwasyon nuong 2017 nuong makatanggap siya ng tawag mula kay dating PNP Chief Ronald Dela Rosa, na iniimbitahan siya sa Camp Crame.
Ang nasabing imbitasyon ay nag delay na lalong nagpapataas ng kaniyang anxiety.
Ayon kay Mabilog bandang alas-5:00 ng hapon isang Police colonel ang tumawag sa kaniya at sinabing huwag ng magtungo sa Camp Crame dahil nalalagay sa panganib ang kaniyang buhay.
Nakatanggap din ng text message ang asawa ni Mabilog na nagbabala na may mga nakapaligid na tao sa kanillang bahay atb nakahanda siyang patayin kapag magtungo siya sa Camp Crame.
Nakatanggap din siya ng tawag mula sa isang heneral na nagbabala na huwag na siya tumuloy sa Camp Crame.
Aminado si Mabilog na parang bumagsak ang kaniyang mundo at hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari.
Habang siya ay nasa Japan nakatanggap siya ng tawag mula kay Gen. Dela Rosa at nagpapa-abot ng simpatiya at naniniwala ito na wala siyang kasalanan at inosente ito.
Aniya isa pang general ang nagbabala sa kaniya na huwag na siyang bumalik sa Pilipinas.
Biniyang-diin ni Mabilog na ang mga law enforcement agencies ay ginagamit para isilbi ang mga political o personal vendettas o para patahimikin ang mga kalaban.
Nanawagan si Mabilog ng reporma sa mga law enforcement agencies upang matiyak na hindi sila nagagamit sa pulitika.
Hinimok ni Mabilog ang Kamara na papanagutin ang mga indibidwal na umaabuso ng kanilang kapangyarihan para sa kanilang personal at political gain.
Giit ni Mabilog dapat ang mga akusasyon ay validated bago ito isapubliko upang maiwasan ang pagpapahiya.
Nagpasalamat si Mabilog sa Quad Committee na binigyan siya ng pagkakataon na linisin ang kaniyang pangalan at ang minamahal niyang siyudad na Iloilo.