-- Advertisements --

Ibinunyag ni dating Iloilo Mayor Jed Patrick Mabilog sa House Quad Committee ang planong akusahan na sangkot sa iligal na droga sina dating senators Mar Roxas at Franklin Drilon nuong panahon ng Duterte administration.

Matapos ang pitong taon na self-imposed exile sa Amerika, tumestigo kaugnay sa kaniyang kinaharap na political pressure matapos mapa bilang sa narco list ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Tinanong kasi ni Rep. Joseph Stephen Paduano si Mabilog kung maari nitong tukuyin ang mga opisyal na pinapasangkot sa iligal na droga.

Sinagot ni Mabilog na ito ay sina Roxas at Drilon.

Naniniwala naman si Mabilog na pulitika ang dahilan kung bakit siya napabilang sa narco list o hit list.

Mariing itinanggi ni Mabiloh na sangkot siya sa illegal drug trade at kailanman hindi siya protektor ng illegal drugs.