-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Naging makulay at makabuluhang ang pagbubukas ng Christmas Village sa bayan ng Libungan Cotabato.

Dinagsa ng libu-libong katao ang malawak na christmas village sa bayan ng Libungan kasabay ng mabonggang firework display.

Ito ang taunang aktibidad na isinasagawa ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Libungan sa pangunguna ni Mayor Angel Rose”Apol” Cuan upang magbigay aliw at ipadama ang diwa ng pasko sa mga tao at mga bisita.

Karamihan sa mga bisita ay naggaling pa sa ibat- ibang bayan sa lalawigan ng Cotabato upang masaksihan ang pagbubukas ng christmas village dahil sa taglay na kagandahan nito.

Bukod sa maliwanag na nayon ay nakaagaw atensiyon din ang higanteng belen,Christmas lights sa Municipal Hall,tulay,Sangguniang bayan at simbahang katoliko.

Ayon kay Mayor Cuan na hindi makikita sa salita ang lahat kundi sa gawa na siyang tiyak na ikakatuwa ng bawat mamamayan ng Libungan.

Dumalo sa padgbubukas ng Christmas Village sa bayan ng Libungan si Cotabato Governor Emmylou”Lala” Taliño-Mendoza

na nagbigay ng kanyang mensahe sa diwa ng pasko,DSWD Regional Director Loreto Cabaya Jr,Pigcawayan Cotabato Mayor Juanito Agustin, Board Member Atty Roland Dalisay Jungco,BM Sittie Eljorie Antao Balisi, Governor’s office consultant Neneng Macasarte-Villanueva , Governor’s executive assistant Rosalie Hallado Cabaya,SB members at iba pa.