Pormal ng umupo ang bagong Pangulo at Chief Executive Officer ng Social Security System o SSS na si Rolando Ledesma Macasaet.
Pinalitan ni Macasaet sa naturang puwesto si Michael Gonzales Regino na nanungkulan sa SSS sa loob ng 7 taon.
Bago maitalaga sa SSS, una munang naglingkod si Macasaet bilang Pangulo at General Manager ng Government Service Insurance System o GSIS sa ilalim ng Administrasyong Duterte.
Sa isinagawang turnover, nangako si Regino na ipagpapatuloy ng mga opisyal at kawani ng SSS ang mga nasimulan nilang reporma upang mapag-ibayo pa ang serbisyo nito sa mga manggagawa at pensyonado
Nagpasalamat naman si Macasaet kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa pagkakataong mapangasiwaan ang SSS na siyang naglilingkod bilang state-run insurer para sa pribadong sektor.