-- Advertisements --

LA UNION – Bagsak ngayon ang ekonomiya ng basang Macau dahil sa epekto ng Covid 19.

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay news correspondent Charlie Sumabat, Overseas Filipino Worker sa bansang Macau, sinabi nito na dahil sa pagtama ng corona virus sa naturang bansa.

Ayon sa kanya, dahil umano sa pagbawal sa mga turista na pumasok sa basang Macau kung kaya bumulusok ang ekonomiya doon.

Nagpapasalamat naman ito na wala umanong Pinoy na natamaan ng nakamamatay na sakit.

Sinabi pa nito na dahil sa pagtama ng Covid 19 sa nasabing bansa ay kasama rin ito sa nawalan ng trabaho ng halos isang buwan.

Samantala, hindi manan umano istriko sa nasabing bansa ang lumabas basta laging nakasuot ng mga ito ng facemask tuwing may pupuntahan.

Si Sumabat ay tubo ng Alilem, Ilocos Sur at limang taon ng OFW bansang Macau.