Nagsalita na rin si French President Emmanuel Macron na hindi umano epektibo ang COVID-19 vaccine na AstraZeneca sa mga may edad 65-anyos pataas.
Ito ang sagot ng pangulo matapos inirekomenda ng European Medicines Agency (EMA) na ang nasabing bakuna ay angkop para sa lahat ng edad.
Kinwestiyon din ni Macron ang naging desisyon ng Britain kung bakit inantala nito ang second dose ng COVID-19 vaccine para sa kanilang mamamayan.
Aniya, kaunting impormasyon lamang ang ibinigay ng developer ng bakuna ang British-Swedish company at Oxford University may kaugnayan sa AstraZeneca.
Dahil dito, hinimok ni Macron ang mga nag-edad 60 hanggang 65-anyos na huwag magpaturok ng AstraZeneca vaccine.
Una rito sa panig ng British firm, itinanggi nila na hindi epektibo ang kanilang bakuna sa mga nasa edad 65 pataas.
Iniulat din ng German health ministry na sa 341 katao na nasa edad 65 pataas na naturukan na ng bakuna, isa lamang ang dinapuan ng coronavirus. (with report from Bombo Jane)