-- Advertisements --

May kondisyon ang France bago sumunod sa ilang mga bansa na kilalanin ang Palestinian state.

Sinabi ni French President Emmanuel Macron, na maari lamang mangyari ito kapag maipatupad ang kaukulang pagbabago sa Palestinian Authority.

Isinagawa nito ang pahayag ng makausap niya sa telepono si Palestinian Authority President Mahmoud Abbas.

Sa nasabing pag-uusap ipinarating ni Macron ang pagsasagawa nila ng “common visions” at ang pagtitiyak ng seguridad.

Komento ito ni Macron matapos na pormal ng kinilala ng mga bansang Ireland, Norway at Spain ang Palestinian state.