Tiniyak ni French President Emmanuel Macron na tuloy-tuloy ang ginagawa nilang pagsuporta sa Israel.
Isinagawa ni Macron ang pahayag matapos ang ginawang pagbisita nito sa Israel at personal na nakaharap si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.
Ipinahayag ni Macron na mahalaga pa rin ang tigil putukan subalit hindi nagbabago ang suporta nito sa seguridad at para sa kapakanan ng mga mamamayan ng Israel.
Nanawagan din ito sa mga bansa na dapat hindi na magbigay ng anumang armas para gamitin ito sa Israel.
Magugunitang ilang mga bansa gaya ng US, Germany at United Kingdom ang binabatikos ng mga human rights groups dahil sa bigong isuspendi ang pagbebenta ng mga armas sa Israel na ginamit sa pagbomba sa Gaza na ikinasawi ng ilang libong Palestino.