CAGAYAN DE ORO CITY – Hangad ng pamilya Castillo ang madaliang hustisya para sa kanilang mahal sa buhay na kabilang sa maraming nasawi dahil sa pagsilbing collateral damage sa madugo na war on drugs policy ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa bansa.
Kasunod ito sa pagkahuli ni Duterte dahil ipinag-utos ng International Criminal Court gamit ang International Police para mapadali ang pagpatupad sa pamamagitan ng Philippine National Police sa loob ng terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport noong Martes ng umaga.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Ginang Nanette Castillo na sana sa mga hindi naniniwala sa kanilang ipanaglaban ay maranasan rin umano nila na mawalan ng anak upang maintindihan ang kanilang nararamdaman.
Magugunitang biglang dinampot ng pito umanong pulis ang anak niya na si Alvin Castillo at sa walang mabigat na dahilan ay pinagbabaril gamit ang caliber 40 at caliber 45 pistols dahilan na nasawi noong Oktobre 2017 sa Tondo,Maynila.
Napag-alaman na kabilang si Gng Castillo na reklamante sa inihaing crime against humanity complaint sa ICC laban kay Duterte dahilan na tuluyang nilabasan ng arrest warrant upang sagutin ang mga paratang laban sa kanya.