-- Advertisements --

Kinasuhan ng isang lalaki ang beteranang singer na si Madonna.

Ayon sa nagreklamong si Justen Lipeles na puro kalaswaan ang “Celebration” tour ng singer.

Bukod pa dito na masyadong “late” magsimula ang concert kung saan halos magdalawang oras mula sa itinakdang oras ng concert ito nagsimula.

Kasama rin sa reklamo niya ng pag-lip sync umano ng singer sa ibang mga kanta niya at ang pagpatay ng aircon sa venue na nagresulta sa labis na pagpawis.

Hiling din nito ang pagbabalik ng binayaran nito sa tickets at ang kita sa nasabing concert.