-- Advertisements --
Pinasalamatan ni Madonna ang kaniyang pamilya at mga kaibigan na nagbigay ng suporta matapos na ito ay magkasakit.
Sa kaniyang social media account ay isinulat nito ang mga pasasalamat.
Nitong nakaraang buwan kasi ay itinakbo sa pagamutan ang 64-anyos na singer dahil sa bacterial infection.
Dahil sa nasabing sakit nito ay kinansela na niya ang kaniyang mga nakalaang concerts at show.