-- Advertisements --

Patuloy pa rin ang pagpapagaling ng beteranang singer na si Madonna matapos na dapuan ng bacterial infection.

Sa kaniyang social media account ay sinabi nitong pagtutuunan muna niya ng pansin ang kaniyang kalusugan.

Pinasalamatan nito ang kaniyang mga fans na nagpaabot ng dasal para agad itong gumaling.

Tiniyak ng 64-anyos na singer na babalik ito sa pagkanta kapag tuluyan ng gumaling.

Magugunitang kinansela nito ang mga shows ngayong buwan matapos na itakbo siya sa intensive care unit dahil sa nasabing sakit.