-- Advertisements --

CSAFP1

Mahigpit na mino-monitor ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ilang mga Madrasa school sa bansa lalo na sa bahagi ng Sulu na ginagamit umano ng mga terorista para isulong ang kanilang adhikain na ma-radicalize ang kanilang mga target recruits.

Sa isang virtual presscon kanina, sinabi ni AFP chief of staff Gen. Gilbert Gapay na aktibong nagre-recruit ngayon ang teroristang grupo lalo na sa pamamagitan ng social media platforms at ang ilang Madrasa schools lalo na sa probinsiya ng Sulu.

Nakatanggap kasi ng impormasyon ang AFP na ginagamit ng mga tetorista ang ilang Madrasa school para makapag-recruit ng kanilang miyembro.

Sinabi ni Gapay nakababahala ang recruitment ng teroristang grupo lalo na at may Pinoy suicide bombers na ang nahikayat.

Inamin naman ng mga sumukong Abu Sayyaf na sila ay na-recruit sa pamamagitan ng social media.

Kaya pinalakas pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang operational strategy sa paglaban sa problema sa terorismo.

Pero naniniwala si Gapay na kailangan pa rin ang whole of nation approach para labanan ang terorismo.

“We are now strengthening, enhancing our program as far preventing, encountering violent extremism, we are coordinating now with Deped, looking into different schools particularly in Sulu and other parts of Mindanao, because this is one the institution or areas were recruitment is occurring particularly in the youths so you know the Madrasas and other schools in Sulu, we are monitoring them really,” pahayag pa ni Gen. Gapay .

Samantala, kinumpirma naman ni Gapay na napatay sa military operations ang asawa ng naarestong babaeng suicide bomber na si Renzy Fantasya Rullie alias Cici na limang buwang buntis.

Ayon kay Gapay, kinumpirma ng kanilang technical team at maging ng ibat ibang sources na si Andi Baso ang Indonesian suicide bomber ay namatay sa engkwentro laban sa mga sundalo.