-- Advertisements --

Nasunog ang isang kumbento sa Dama de Noche St., Brgy. Mariana, Quezon City, nitong nakalipas na hatinggabi ng Sabado.

Sinabi ni Fire Chief Insp. Gilbert Valdez ng Quezon City Fire District, na nagmula ang sunog sa ikalawang palapag ng gusali.

Dahil sa kalumaan na ng gusali ay mabilis na kumalat ang apoy.

Nadamay din ang tatlong town houses na katabi ng kumbento.

Sinasabing mula sa electrical short circuit ang pinagmulan ng sunog.

Nasugatan naman ang isang madre at isang fire volunteer sa nasabing insidente.

Nasa P70,000 ang halaga ang iniwang pinsala sa mga ari-arian sa nangyaring sunog na tumagal ng mahigit dalawang oras.