-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nadagdagan pa ang mga madre sa Convent of Carmelite Missionaries sa Lopez Jaena, Lapaz, Iloilo City na namatay sa COVID-19.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mr. Jeck Conlu, spokesperson ng COVID-19 Team ng Iloilo City Government, sinabi nito na tatlo na ang mga madre na namatay dahil sa COVID-19 sa nasabing kumbento.

Ayon kay Conlu, ang pinakahuling namatay na madre ay 82-anyos at kabilang sa walong mga madre na dinala sa ospital matapos nakaranas ng sintomas ng COVID-19.

Matandaan na 24 na mga madre at apat na mga staff ng nasabing kumbento ang nagkahawaan ng virus.