-- Advertisements --
Inilagay ng Spanish government sa 15-araw na state of emergency ang Madrid.
Ang nasabing hakbang ay para mapababa ang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.
Magpapakalat ng mahigit na 7,000 na kapulisan sa lugar para matiyak na naipapatupad ang lockdown.
Ayon kay Madrid health minister Enrique Ruiz Escudero, na epektibo ang nasabing paraan para mapababa ang kaso ng COVID-19.
Nakasaad sa panuntunan na ang pagpasok at paglabas sa Madrid kabilang ang siyam na lungsod.
Papayagang mag-operate ang mga hotels at restaurants na mayroong 50% capacity ng hanggang alas-11 ng gabi.
Limitado lamang sa anim na tao ang mga social gatherings.
Nasa 4.78 milyong katao sa Madrid ang apektado na kabilang ang lungsod ng Fuenlabrada, Getafe at Leganes.