-- Advertisements --

Nagpatupad ng lockdown restriction ang bahagi ng Madrid, Spain matapos ang pagtaas ng kaso ng coronavirus.

Apektado dito ang 850,000 katao na lilimitahan lamang ang kanilang pagbiyahe at ang pagtitipon-tipon.

Maari lamang makalabas ang mga residenteng papasok sa kanilang opisina, paaralan at trabaho.

Limitado lamang sa hanggang anim na tao ang magtitipon-tipon at magiging sarado naman ang mga parke at commercial businesses pagsapit ng alas-10 ng gabi.

Pumalo na kasi sa mahigit 600,000 ang kaso ng COVID-19 sa Spain.