-- Advertisements --

Binatikos ni Atletico Madrid striker Luis Suarez ang naglabas ng impormasyon sa laki ng kontrata ng kaniyang kaibigan at dating Barcelona teammate na si Lionel Messi.

Sinabi nito na ang nasabing hakbang ay isang masamang hakbang.

Dapat aniya na hindi na inilabas ang detalye dahil ito ay pribado.

Magugunitang inilabas ng isang diyaryo sa Spain na binayaran ng aabot sa $647 million ang Argentinian player para maglaro sa Barcelona sa loob ng apat na taon.