-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Pinangangambahan ng Filipino community sa Estados Unidos na mas lalala pa ang kaguluhan sa pagitan ng Republican at Democratic supporters kaugnay sa nagpapatuloy na pagbilang ng boto sa US elections.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Bombo international correspondent Gigi Walinski sa Minnesota, USA, hindi umano malayong mangyari ang isang madugong civil war sa kasagsagan ng mga pangyayari.

Ani Walinski, kapag patuloy na lalala ang sitwasyon, siguradong magkakasagupaan ang magkaribal na mga supporters lalo na’t karamihan sa mga tao ay may kaniya-kaniyang mga sariling mga armas.

Ipinapanawagan ng mga Democrats ang pagpapatuloy sa pagbilang ng mga boto sa kabila ng apela ni President Donald Trump na itigil muna ito dahil sa mga dayaang nangyayari sa ilang estado.