-- Advertisements --
Isinisi ni Venezuelan President Nicolas Maduro ang mga opposition sa kawalan ng suplay ng kuryente na umabot na sa dalawang araw.
Sinabi ni Maduro na sinasabotahe sila ng mga taga-oposiyon na suportado ng US.
Dahil sa nasabing kawalan ng suplay ng kuryente ay maraming mga paaralan at opisina ang nagsara.
Itinuturong dahilan ng kawalan ng kuryente ay dahil nagkaroon ng problema ang kanilang pangunahing hydroelectric plant.