BUTUAN CITY – Binaha ng mga pagbati ang isang mag-aaral galing sa Father Saturnino Urios University o FSUU nitong lungsod ng Butuan matapos itong nagTop-2 sa lumabas na resulta sa May 2023 Philippine Nurses Licensure Examination.
Kaagad na binati ng lokal na pamahalaan sa Butuan City sa pangunguna ni Mayor Ronnie Vicente Lagnada si Ms. Mary Edrianne Codilla Sobretodo na nakakuha sa rating na 91.40 percent.
Habang ang FSUU ay ginabati rin pati ang kaniyang mga magulang, pamilya at mga kaibigan na nagbibigay ng suporta sa TOP 2 na si Sobretodo.
Lubos rin nitong kinilala ang FSUU Nursing Program sa pangunguna ni Dean Tarcisio Candog Jr.
Ito ay matapos naabot sa paaralan ang 100 percent na passing rate sa mga first time takers habang ang national passing rate ay nasa 74.93 percent.