GENERAL SANTOS CITY – Handang magbigay ng pabuya si Alabel Mayor Vic Paul Salarda para sa makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng suspek na pumatay sa mag-ama na ginilitan ang leeg.
Layunin nito para malutas at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mag-ama na sina Hilarion Vibas 40 yrs. old at anak nitong si John Hillary Vibas, 4 taong gulang na kapwa residente ng Poblacion Alabel Sarangani Province.
Unang nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na may nakitang mga bangkay sa isang kubo sa gitna ng fishpond kayat nirespondihan.
Kasama ang mga kasapi ng Scene of Crime Operatives(SOCO) nadatnan ang mag-ama na wala ng buhay at may mga sugat sa katawan at natakpan ito ng mosquito net.
Panawagan naman ni Lilibeth Bayang, ina ng apat na taong gulang na sanay sumuko na ang mga may gawa ng krimen.
Bago nakita ang bangkay ng mga biktima nakipag-inuman umano ang ama kasama ang tatlo pang hindi pinangalanan na mga lalaki.