-- Advertisements --

LA UNION – Posibleng sa kulungan magpe-penitensiya ngayong kuwaresma ang mag-ama na hinuli dahil sa reklamong panggugulo at nahulihan pa ng umano’y droga sa Barangay Bawanta, Bauang, La Union.

Nakilala ang mga ito na sina Brasil Bucasan, 38, at Mark John Bucasan, 19, kapwa construction worker at residente ng Barangay Lower San Agustin, Bauang, La Union.

Base sa report, naaktuhan umano ng mga rumespondeng pulis ang paninigaw at paghahamon ng dalawa sa gitna ng da-an habang nakahawak ng bato ang matandang Bucasan.

Sa ginawang pagkapkap ng mga otoridad, nakarekobre ang mga ito ng 2 plastic sachet ng umano’y marijuana sa ama at 2 rin sa anak.

Nangyari ang insidente matapos sumahod ang mga ito mula sa kanilang pinagta-trabahuan.

Sa ngayon, nahaharap ang mag-amang suspek sa kasong paglabag sa section 5 under Article 2 of the R.A. 9165 at alarm and scandal .