CENTRAL MINDANAO – Tukoy na umano ng mga otoridad ang pumatay sa mag-amang negosyante sa Tacurong City.
Nakilala ang mga nasawi na sina Jian Franco Villanueva Arceña, 18, binata, estudyante at kanyang ama na si Jerson Arceña, mga residente ng Tacurong City.
Ayon sa mga kamag-anak ng mga biktima, niyaya umano ng anak ang kanyang ama na pumunta sa Isulan, Sultan Kudarat sakay ng motorsiklo para makipagkita sa isang kaibigan.
Hindi na nakauwi ang mag-ama at nabalitaan na lamang na natagpuan ang kanilang bangkay sa Brgy Timbangan, Shariff, Aguak Maguindanao.
Nagtamo nang maraming tama ng bala ang mga biktima sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan kaya binawian sila ng buhay.
Nawawala rin ang motorsiklo, pera, cellphone at mga personal na kagamitan ng mga biktima.
Maliban sa pagnanakaw ay may ibang motibo pa na iniimbestigahan ang pulisya sa pagpaslang sa mag-ama.