KORONADAL CITY – Binawian ng buhay ang mag-ama habang sampung katao naman ang sugatan sa pagkarambola ng labing apat (14) na sasakyan sa harap ng SEAIT sa national highway sa bayan ng Tupi, South Cotabat.
Ito ang kinumpirma ni Mr. Rolly Aquino, PDRRMO ng South Cotabato sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Kabilang sa mga nasangkot na sasakyan ay 3 SUV, 5 motorsiklo, 1 side car, 1 bus, 1 forward truck at 3 pick-up. Sa imbestigayon ng mga otoridad nawalan ng kontrol ang driver ng ten wheeler truck na may dalang container at inararo ang mga sasakyan.
Kinilala ang mga nasawi na sina Diamalodin Makasaehe at ang apat (4) na taong gulang na anak nito habang sugatan naman ang 14 anyos pang anak ni Makasaehe na sakay ng “topdown”.
Samantala, kabilang sa mga biktima na dinala sa pagamutan ay sina:
- Aira Jean Tayamora Parrenas
2.Mariel Puno Merabella
3.Eduardo Ajeno
4.Vergel Viale
5.Ronnel Magayo
6.Ronnel Verbal
7.Krizel Flandez
8.Jennifer Dacquel
9.Kristine Mae Badoraya - John Carlo Pamonero
- Jenelle Ongab
Sa ngayon ginagamot pa rin sa ibat-ibang hospital sa lungsod ng Koronadal ang mga sugatang biktima kabilang na ang mga estudyante ng SEAIT.
Nangako naman ang opisyal na magbibigay ng tulong ang provinciL government ng South Cotabato sa mga biktima.