-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay ang mag ama matapos makuryente sa Brgy Bagong Sirang, Pili Camarines Sur.

Kinilala ang mga biktima na si Jacinto Ibarreta, 73-anyos at Rico Ibarreta, 38-anyos parehas residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO) napag-alaman na habang nag lalakad ang nasabing mga biktima sa palayan ng aksidente nahawakan ng mga ito ang isang damage live wire.

Resulta upang makuryente ang nasabing mga biktima.

Nabatid na nagawa pang itakbo sa Bicol Medical Center ang mga biktima ngunit ideneklara na ang mga itong dead on arrival ng mga doctor.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente.