-- Advertisements --

Patay ang mag-ama matapos bumangga sa punong kahoy ang sinasakyang pampasaherong van sa kahabaan ng Purok Carabao, Barangay Sagua, Margosatubig, Zamboanga Del Sur.

Kinilala ang mga biktima na si Roland Cadimas, driver, at anak nitong si Jayson Cadimas parehong residente ng Pagadian City.

Ayon sa report ng Margosatubig PNP, mabilis umano ang pagpapatakbo ng driver dahilan na nawalan ito ng control sa manibela at bumangga sa isang mahogany tree.

Nagtamo umano ng malubhang sugat sa ulo ang drayber na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay samantalang, naisugod pa sa pagamutan ang anak nito na kalaunan ay binawian din ng buhay.

Wala naman umanong ibang pasahero ang naturang van nang mangyari ang insidente.