CEBU CITY – Iniimbestigahan ng PNP ang pananambang sa mag-amang barangay councilors sa Sitio Napac-an, Brgy. Kalumbuyan, Bayawan City, Negros Oriental.
Patay ang mga biktimang sina Felipe Condez, 60, at ang anak nitong si Jonesis, 31, kapwa mga konsehal ng Barangay Kalamtukan ng nasabing lugar.
Ayon sa hepe ng Negros Oriental PNP na si PCol. Julian Entoma, bumiyahe pauwi ang mag-ama nitong Huwebes ng umaga sa Bayawan City sakay ng kanilang motorsiklo.
Ngunit bumuntot naman ang dalawang hindi pa nakilalang mga gunmen sakay din ng motorsiklo at kinalaunan ay binaril ang mag-ama.
Nagtamo ang dalawang konsehal ng mga tama ng bala sa kanilang katawan na nagbunsod sa agaran nitong pagkamatay.
Nagsagawa naman ang PNP ng hot pursuit operation upang mahuli ang mga responsable nito habang inaalam pa ang motibo ng naturang krimen.