-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nahaharap sa kasong grave coercion at acts of lasciviousness ang mag-amang Chinese national na gumawa umano ng sexual harassment laban sa dalawang masahista sa loob ng spa sa JR Borja-Corrales Avenue sa lungsod.

Ito ay matapos mabilis na makahingi ng saklolo ang dalawang hindi na pinangalanang masahista dahil sa ginawang pambabastos ng mga suspek na sina Samuel, 67, at Kenneth Yung, 36, na taga-Brgy Kauswagan sa siyudad.

Sinabi ni Cogon Police Station officer-in-charge Lt. Tawidee Galleon, pinilit ng isa sa mga suspek ang masahista na paglaruan ang kanyang ari kung kaya’t humingi na ng tulong sa mga pulis ang masahista.

Hindi pa umano nakontento, hinawakan daw ng isa pang suspek ang dibdib ng kasamang masahista kaya sinampahan ng kaso ang mag-amang Yung.

Sa ngayon ay pansamatalang nakakulong sa Cogon mini detention cell ang mga banyagang suspek.