-- Advertisements --

NAGA CITY-Sugatan ang mag-amang fruit vendor sa Sariaya, Quezon pagkatapos na pagbabarilin pagkatapos na pagtangkaang holdapin.

Kinilala ang mga biktima na sina Reynaldo Landicho Evangelista, 47-anyos, at ang anak nito na si Reyzel Reano Evangelista, 18-anyos, parehong residente ng Barangay Lutucan 1 sa nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na alas 9:25 ng gabi nang pauwi na ang mga biktima sakay ng kanilang Suzuki tricycle galing sa kanilang fruit stall nang bigla na lang na pinagtangkaang harangin ang mga ito ng mga suspek.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dito na binilisan ni Reynaldo ang pagpapatakbo ng kanyang tricycle, rason upang pagbabarilin sila ng mga suspek.

Parehong tinamaan an dalawang biktima rason upang humingi ng tulong ang mga ito sa isang malapit na bahay.

Kaagad na dinala sa ospital ang dalawa habang kaagad naman na tumakas ang mga suspek pagkatapos ang insidente.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad tungkol sa nabanggit na insidente.