-- Advertisements --

naga

Arestado ng mga tauhan ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) ang mag-amang miyembro umano ng Kidnap-for-ransom (KFRG) at dating miyembro ng Kuratong Baleleng sa isinagawang operasyon sa Purok Santan, Poblacion Naga, Zamboanga Sibugay.


Kinilala ni PNP AKG Director PBGen. Jonnel Estomo ang mga naaresto na sina Rico Piator alyas Kokoy at kanyang ama na si Julian Piator.

Nahaharap sa kasong robbery with homicide sa Misamis Occidental ang mag-ama.

naga4

Ayon kay Estomo, lumipat ang mag-ama sa Zamboanga Sibugay mula Misamis Occidental matapos ang operasyon ng otoridad sa Kuratong Baleleng na kalaunan ay nabuwag din.

Sumali aniya ang mga ito sa grupo ni Mamay Aburi na nasa ilalim naman ng pamumuno ni Abral Abdusalam na sangkot sa kidnapping, gun for hire at robbery extortions sa bahagi ng Zamboanga.

Kasalukuyang nakakulong na sa Ipil Municipal Police Station ang mag-ama para sa kaukulang documentation.

naga5